Kung nakaw na halik lang naman ang pag uusapan. Si Jamina ang pambato ko jan.
Grade 1 ako nung una ko syang makita. Grabe. Unang kita ko pa lang kay Jamina, sobrang alam ko na kung sino ang magiging crush ko sa buong taon!
Si dorcas? Nako, Nagkahiwalay na kami ng section. Kaya ayun. Hiwalay na kami. Peroid. Move on.
Wala namang nangyaring "it's not you, it's me" dialogue samin. Basta lang nawala. Hindi na kami nagkalaro, hindi na kami nagkasama, at hindi na kami nagkikita.
Ah Basta! Ayoko na pagusapan pa!
Anyways, Eto nga. Si Jamina ang pumalit na konsepto ng
Palakaibigan si Jamina. I mean, Parang almost lahat ng kaklase ko kaibigan nya. Alam nyo naman, nuong bata pa, may mga tinatawag tayong Bati at Galit.
Pag bati kita, pwede mo ko kausapin, pwede mo ko makalaro, at mabait ang turing ko sa'yo.
Kapag naman galit kita, Literal, bawal mo ko kausapin, bawal mo ko kalaruin at imbisibol ko para sa akin. As if you never existed.
Anyway, May kapatid tong si Jamina. Ang pangalan nya ay Karl at nakakagulat na parehas silang grade one.
Hindi ko sure kung retarded o bobo lang talaga tong si Karl kaya sya ay grade 1 pa rin kahit na pang grade 3 na ang edad nya. Sabagay, kitang kita naman sa kinikilos nya. Tumatae pa din sya sa classroom. At si Ms.Balaris pa din ang naglilinis ng tae nya. Nakakdurdur talaga! Minsan nga naghubad yun sa loob ng classroom ng walang kadahilanan at nagtatatakbo na parang retarded. Parang anak ni kris aquino? Ang pambansang autistik ng bansang pilipinas. (Peace po!)
Dahil nga sobrang crush na crush ko si Jamina. (Dahil bata pa, di pa ako nakakaramdam ng libog) Ay lagi ko syang kinakausap at kinakalaro. Kahit pambabae. Sasalihan ko. Basta kasali si Jamina. Gustong gusto ko yung habulan gahasa. Lagi akong nagpapataya kapag sya ang taya. Dahil ayaw kong napapagod sya. At kapag naman ako ang taya, Sya ang pinagiinitan ko. Wala lang, parang kaming dalawa lang ang naglalaro. Isip bata talaga. tsk tsk.
Kaya lang isang beses, nung magkaaminan kung sino ang crush ni Jamina, Napagalaman kong hindi ako ang type ni Jamina. Kundi si Aaron na uhugin naman. At kapag tinamaan ka nga ng hinayupak, si Aaron lang naman ang bestfriend ko! Lagi ko syang nakakausap at nakakalaro sa mga happy meal na binibili ng magulang namin. Lagi kaming nagyayabangan kung sino ang may mas makapal na tex. Kung sino ang may mas bagong "free toy" from colgate, Palayuan ng talsik ng ihi, at syempre pahabaan ng tite. (Wag nyo na alamin kung sino ang nananalo.
Jeh - 8==========================D
Aaron - 8======================================================D
AT LEAST TULI NA!
So yun nga, Dahil nalaman kong si Aaron ang crush ni Jamina. Pinilit kong iwasan si Aaron. Hindi ko na sya kinakalaro. Gianwa ko na syang karibal. At kay melvin na lang ako nakipaglaro.
Si melvin ay isang matabang batang napakamasayahin at hobby nya ang manggigil. Di naman sya bakla pero kapag sya ay nanggigil, mangigigil ka din sa sobrang cute nya.
Lagi nya akong binubuhat pag nanggigigil sya sa'kin. Ako, Syempre, gusto kong binubuhat ako. Kaya wala akong reklamo.
Isang beses nga, Nanggigil sya sakin at binuhat nya ako. Ayun. Hinimatay. Literal na hinimatay. May sakit pala sya sa puso. Di pala sya dapat nag bubuhat. Ako pa tuloy ang nasisi.
At dahil nga si melvin na ang bago kong bespren, kinausap ko sya tunkol sa problema ko kay jamina at kay aaron.
Naging madamdamin ang aming paguusap. Mula sa mga bagong laruan, naging siryoso ang usapan namin.
J: Melvin, paano ko kaya magiging syota si jamina.
M: Hmmm.. sa magulang ko. nagkikiss sila tapos pinapapikit nila ang mga mata ko at pinapaakyat sa kwarto.
J: Ganun din ginagawa ng magulang ko eh pero sila naghahawakan ng tintin at pipi.
M: Edi hawakan mo yung pipi ni jamina, tapos pahawak mo yung tintin mo sa kanya.
J: Ay wag yun.. magagalit si papa Jesus.
M: Edi kiss mo na lang nga!
J: Hmm sige.. teka...
Ilang sandali pa ay lumapit ako kay jamina at ninakawan ko sya ng halik. Nagulat na lang ako at biglang nag uumiyak si Jamina at sinumbong ako kay ms.balaris na kiniss ko daw sya.
Hindi ko alam kung gaano kabigat ang ginawa kong mali. Sinunod ko naman ang sinabi sakin ni Melvin. Kiniss ko sya. At feeling ko mas okay yun kaysa ipahawak ko ang tintin ko sa kanya at hawakan ko ang pipi nya.... O yun ang mas gusto nya??? > : )
Hanggang sa kinabukasan. Sumugod ang magulang ni Jamina sa School at inirereklamong kiniss ko daw si Jamina. Na trauma daw ang bata. sabi ng nanay nya.
Feeling ko lahat galit sakin. Kaya ginawaran lang naman ako ng 3 day suspension. Dahil lang sa kiss, nagkaruon ng kahihiyan ang pamilya ko? Sa pagmamanyak pa. Leche.
3 araw ang lumipas, nakabalik ako sa skwelahan. Ang unang sumalubong saakin? Kamao ni Karl. Ang retarded na kapatid ni Jamina. Ako, di naman ako weeney para magsumbong. At di rin ako tanga para makipagaway sa isang dambuhalang retarded. I mean, He has nothing to lose. Baliw sya eh. At magmumukha pa akong masama kapag pinatulan ko, kaya ang ginawa ko na lang, imbis na mag iiiyak, kumuha ako ng tumb tax at inilagay sa upuan nya. Ayun. Parang time bomb na sumabog ang patibong ko at nagiiiyak na lang si karl sa iisang sulok.
At ngayon. May dalawa akong natutunan.
1. Kahit retarted ang tao, ipagtatanggol nya pa din ang kapatid nyang naargabyado.
2. Piliin ang kaibigan. Maraming Traydor.
PS: Huling balita ko, Magasawa na sila Jamina at Melvin.
LECHE KA MELVIN!