Ginawan kasi nila ako ng Manila paper na puno ng letra mula A hanggang Z at sa ilalim ay may 1 hanggang 10.
Ito ay masasabi kong Poor Style of Education. O kung baga, yung tinatawag na, Edukasyong pang mahirap.
Tama, Hindi na ako nag Kinder kinder nuon. Tinuruan lang ako sa bahay.
Bibigkasin ko ang A-E-I-O-U. Pati na ang a-ba-ka-da-e-ga-ha-la-ma-na-nga-pa-ra-sa-ta-u-wa-ya. At kapag nagkamali ako, Ay papaluin ako ng walis ting ting sa kamay. Ako naman, kunwari iiyak para tigilan na ang pagpalo.
Mejo strikto ang tatay ko nuon. Konting kibot, Makakatikim ka ng sinturon sa pwet.Siguro dahil na din sa pagpapalaki sa kanya ng lolo ko kaya sya ganun. Strikto din kasi yun si lolo. Kaya mahahalata ang latay ng palo sa tatay ko.
Alam ko namang mahal kami ng tatay ko kaya kami pinapalo. Pero syempre, mga bata pa kami. Di namin maintindihan yun. Pumapasok sa isip namin ang pag rerebelde. Ang pag gastos ng sampung piso sa pag bili ng tex ni Voltes V. Pati na rin yung tex na pag binuo mo ay parang komiks na pelikula ang dating.
Di namin alam, Sarili lang namin ang sinasaktan namin. Ang sampung pisong sanang pinambili na lang sana namin ng piattos at coke ay nauwi lang sa mga walang kwentang papel na pinanglalaban sa ibang kapwa skwater na bata.
Kahit ganoon ang tatay ko ay masaya ako at dahil dun, disiplinado kami. Hindi kami yung mga tipong iinom, mambubuntis ng babae, at magiging pariwara ang buhay. Ngayon ko sila higit na naintindihan.
Teka, Balik tayo sa usapan.
Nuong pumasok ako bilang nursery, sa isang private school (Nag sasaudi na si erpats nun kaya private).
Syempre, Sino ba namang batang lalake ang hindi nagkacrush sa kanyang teacher na babae?
Tinuturuan ka, nginingitian ka, at higit sa lahat nililinis nila ang lugar na pinag-ihian mo/ pinagtaehan mo.
Oo, Kahit marami sa mga kaklase ko ang nag susuot ng diapers, Pinili kong hindi na mag suot dahil una, nakakahiya, pangalawa, di na ako baby, pangatlo, mahal ang pampers noong araw.
Kaya ayun, nagkakalat na lang ako sa classroom ng etchas ko. At si Ms. Balaris ang naglilinis nuon.
Mas lalo ko pang naging crush si ms.balaris nuong nakita ko syang nagkukuyakoy na nakahubad ang sapatos. Suot ang stockings, Pinapanuod ko ang kanyang mga paa habang tumataas baba. Minsan ay sumalisi ako at iniyukod ko talaga ang ulo ko sa ilalim ng lamesa nya at pinanuod ko ang pagkuyakoy nya. Hindi nya ako napapansin dahil nag che-check sya ng aming mga kwaderno kaya tuloy tuloy lang sya. Habang ako ay tuloy tuloy din sa pamboboso ng mga paang naka balot sa stockings.
Sa kasamaang palad, nakita ako ng kaklase kong si nathaniel at isinumbong nya sa buong klase na sinisilipan ko daw si mam.
Syempre, di ako umamin na namboboso ako. Sinabi ko, nahulog ang eraser ng lapis ko. Buti na lang naniwala si ms.balaris.
Muntik na yun! Unang una, nakakahiya, pangalawa, lagot ako sa tatay ko pag nagkataon.
Kaya ano ang ginawa ko kay nathaniel?
Ayun, nakatikim sya ng sapak sa mukha. Nag iiiyak si nathaniel na tumawag pansin kay ms.balaris.
Bad Shot ako kay ms.balaris nung panahong iyon. Higit pa jan, na principal ako.
Ang principal namin nuon at diciplinarian ay si Pastor Gary na kilala bilang napaka strikto at nanghihila ng patilya.
Palibhasa mga bata, ang lalakas manggatong ng mga kaklase ko. Kesyo sinaksak ko daw ng lapis si nathaniel, dinuraan ko daw ang bag nya, at sinipa ko ang yagballs nya, kaya ayun. Napa skwat ako ng 30 minutes sa office ni pastor gary.
Mabuti na lang at hindi hinila ang patilya ko.
Kalaunan ay uwian na. Sinundo ako ng auntie ko. Sa Principals office. Syempre, nag kwentuhan muna sila ni pastor gary kung bakit ako pinaparusahan... Patay.. pag ito nakarating kay tatay. Kawawa naman ang dalawang umbok ko sa likod na nuong araw ay parang walang laman.
Ayun nga, nakarating kami ng bahay. As usual, sinermunan ako at pinalo. Bakit ko daw sinapak ang kaklase ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nahuli akong namboboso ng kaklase ko at sinumbong nya ako sa teacher kaya ko sya sinapak. Kaya ang sabi ko na lang, trip ko po kasi syang sapakin.
Hindi ko alam, lalong nagalit ang tatay ko. Pinalo ulit ako sa makalawang beses. At pinahingi ng sorry kay papa Jesus.
Syempre maliban sa sakit ng pwet, ang pinaka inaalala ko ay si ms.balaris. Bad shot ako sa kanya. Ano kaya ang gagawin ko? Wala na kayang pagasa para mapakasalan ko sya? (Yan ang iniisip ng mga batang lalake nuon. maniwala kayo.)
Kaya kinabukasan, Akala ko di na ako papansinin ni ms.balaris. Ayun, nag goodmorning sya samin ng auntie ko nung hinahatid ako. Kaya gumaan ang pakiramdam ko at feeling ko okay na ang lahat.
Kaya lang, sa araw na iyon ko pala mararanasan ang sakit ng unang pag ibig.
Nag announce si ms.balaris na mawawala muna sya sandali. Hindi namin alam kung bakit. Para sa iba kong mga kaklase. Okay lang. Pero para saakin, bumigat ng todo ang pakiramdam ko.
Nuong recess, pumunta ako sa auntie ko na nag aabang sa labas ng classroom ko. Syempre, chismisan ang libangan ng mga yaya/nanay/auntie na nag hihintay sa mga alaga nilang matapos ang klase.
Lagi akong binibigyan ng auntie ko ng dalawang piso para bumili ng isang stick ng kikiam na ubod ng laki. Ako na daw ang bumili sa canteen. Tutal, binata na daw ako. bola saakin ng auntie ko na noon ay kung may isip na ako, iisipin kong tinatamad lang syang bumili sa tindahan para sakin.
Pag balik ko mula sa pagbili ng kikiam, narinig ko silang naguusap usap sa isang pamilyar na pangalan. Pinaguusapan nila si Ms.Balaris. Na kaya daw ito mawawala dahil magpapakasal na daw ito sa anak ni pastor gary na may ari ng eskwelahan.
Nung marnig ko iyon ay parang nadurog ang puso ko. Ni hindi ako makasubo sa kikiam na binili ko. Ang pinakaunang babaeng
Hindi ko na lang pinahalata sa auntie ko ang reaksyon ko. Sinikap kong kimkimin ang sakit.
Isang bata. 6y/o, kailangang pag daanan ang sakit ng pagmamahal sa napakamurang edad. Isa iyong malaking trauma.
Para akong nalulunod. Pag uwi ko sa bahay ay umiyak ako. Nahuli ako ng auntie kong umiiyak at tinanong kung bakit daw. Di ko sinabi ang tunay na dahilan. Sabi ko na lang masakit ang kuko ko sa paa.
Pero hindi nya alam, na ibang sakit ang iniinda ng puso ko.
Kinalaunan, siguro ay mga dalawa hanggang tatlong linggo ang lumipas (di ko na matandaan).
Ay nag balik si ms. balaris. Ganun pa rin. Gandang ganda pa din ako sa kanya. Patuloy sya sa pag aalaga, pag tuturo at pag lilinis ng ihi at tae na ikinalat ko sa class room.
Hindi ko na naisip na may asawa na sya.
Eh ano ngayon? Nakikita ko pa din naman ang paa nyang naka balot sa stocking na nagkukuyakoy eh. Ako naman nakakasilip pa din naman. At si nathaniel, sa kabutihang palad, ay nadala na ng isang sapak ko at di na muling nag chuchu na binobosohan ko ang pinakauna kong teacher.