Sa mga nag babasa ng blog site na ito. Ako nga pala si Jeh. Tunay na pangalan? Wag na. Di naman importante yun eh. Ang mahalaga, makwentuhan ko kayo ng aking mga adventures.
Adventures ko sa buhay buhay, sa pamilya, sa barkada, sa trabaho. Basta. Sa lahat.
Pero bago ang lahat, Magpapakilala muna ako, Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Galing Agusan del sur ang tatay ko at galing namang Zamboangga del sur ang nanay ko. So bisaya ang ancestry ko.
Nag simula kami sa isang mahirap na pamilya.
Literal, Mahirap. Ni hindi nga kami makabili ng coke nung 15 pesos pa lang ang isang litro eh. At lagi kaming may utang sa tindahan na malapit sa amin.
Nagsimulang guminhawa ang buhay namin ng mag abroad si erpats. Nag saudi sya.
Sabagay, dati kung nag sasaudi ang magulang mo, parang feeling mo mayaman ka na.
Yun ay nuong malakas pa kumita ang mga nag sasaudi at hindi pa nangre-rape ng lalake ang mga arabo.
Dalawa pa lang kami ng kapatid ko nuon.
Ang nanay ko naman, nag tatrabaho sa isang pagawaan ng juice. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng pinagttrabahuan nyang sunny orange. Yung pioneer ng mga concentrated juice na ilalagay mo sa isang pitsel at lalagyan mo na lang ng tubig para mejo lumabnaw. Basta! yun yun!
Hindi rin nagtagal ang tatay ko sa saudi. Dahil sobrang miss na miss nya na kami, Aba 14 oras ata ang byahe pa eroplano mula saudi papuntang pinas ah!, Kaya ayun, umuwi agad si erpats. Na home sick. At dahil kahit papano ay nakakabili na kami ng isang litrong coke, minabuti na lang nyang mag trabaho sa pinas.
Pero wala eh. Di kaya ng kita ng mga magulang ko ang panggastos namin araw araw. Dahil sa bulok na sistema ng pilipinas, ang mga magagaling na engineer tulad ng tatay ako ay naghahanap ng trabaho sa ibang bansa para maipantustos sa aming magkapatid.
Sa kabutihang palad, nakahanap sya ng mapapasukan at iyon ay sa Japan. Kalaunan, sumunod na din ang ermats ko para magtrabaho dun. Ang mga auntie na lang namin ang nag aalaga sa amin.
Kaya ngayon, sanay na kami na wala sila. Kung dating iiyak pa kami kapag aalis sila. Ngayon, Parang wala lang. Sige. Aalis na sila. Ba-bye! Ingat po kayo!
Sabagay, Halos araw araw tumatawag sila sa telepono. Kaya parang anjan din sila.
Ngayon, Lalong hindi na namin sila namimiss. Syempre may internet na. May DSL na kami na dati ay pangarap kong magkaruon para lang malaro ang online game na kinalolokohan ko nuon.
Araw araw naka on ang webcam, nag vvoice chat. nag sskype.
Sa ngayon, Feeling ko higit kaming pinagpala. Kayang kaya na naming bumili ng kahit 10 case ng dalawang litro ng coke. Hindi na kami mahirap. Pero hindi ko rin masasabing kami ay mayaman na.
Siguro kami yung 17% ng mga pilipinong nasa kalagitnaan ang pamumuhay. Maliban pa sa 6% Mayayaman at 77% na mahihirap pa sa daga. Napakapalad namin at naka tsamba kaming makarating sa 17%.
Nag aral ako ng kolehiyo sa La Salle.... DasmariƱas Cavite.
Kahit sa Dasma lang, Aba, Proud ako na sa La salle ako nag aral.
Sa kasalukuyan ay nag tatrabaho ako sa isang IT Company. SAP ang larangang pinasok ko. Nuong una ay syempre, Hirap ako sa pag unawa. Pero sino ba namang hindi nahihirapan sa umpisa diba?
Sa ngayon, Di ko masasabing masaya ako, o malunkot.
Yung tipong, 'sakto lang', ang tema ng buhay ko ngayon.
Pero ayun. Syempre, Ang tao, laging may inaasam asam na "MAS".
Mas mapera, mas mayaman, mas magaling, mas okay, mas masarap, basta MAS.
Hindi nakukuntento ang tao. Totoo yan.
Kaya ako, nananatili ako sa pangarap kong makuha ang mga MAS na 'yan sa buhay ko. Sige lang ng sige.
Oh ayan ah. Napakilala ko na ang sarili ko.
.
.
.
.
.
Kwentuhan na!
No comments:
Post a Comment